June 14th, 2005
the accounting text was freakin expensive..
yah i bought one with the glossy pages... i guess they're the only ones available in orp...oh well.. maybe i'm the only one whining about the price..
my first day of classes went well.. i'm just nervous (probably like everyone else) about financial accounting.. and math.. ang walang katapusang math.. hmm... pe ko pala, table tennis. takot na ako baka pagtawanan ako ng mga tao... i don't know what to expect from theo except that one friend i know was required to buy a new american bible, 1991 edition... hmm...
had lunch with a couple of fellow shiftees before joining amy and stacy. tagal ko rin di nakita si stacy... and joey slimmed down, really good for her.. nagulat din ako kay ann, ang ganda na rin... hahahha...
and then went to math 21.. dami namin.. 30+.. kakapanibago kasi 15 lang kami sa math ko nung summer... heheh... kasama ata namin mga ece people eh... hmm... beadle si kc!!! di ko pa pala nasasabi ka kanya tong blog ko.. parang gusto ko paalam.. malamang di nyo pa sya kilala... la lang.. new friend.. fellow shiftee.. but that's not our only bond.. bisaya din sya.. yah, i have a couple of new friends, both bisaya.. si kc tapos si rom.. astig kasi pag nag-uusap kami, bisaya... ayan, mapa-practice na ulit ang bisaya ko!!!
i really want to learn lots of dialects (and languages na rin, pero gusto ko yung sa pilipinas muna).. medyo marunong ako mag-pangasinan (oh diba? mas matagal ako sa pang. kesa sa mindanao, pero mas marunong ako mag-bisaya... sa bagay, kinalakihan ko talaga mindanao eh..) pero gusto ko pa maging mas fluent.. tapos pag marunong na ako, isusunod ko talaga ilocano!!! whahahahhaha.... sobrang gusto ko matuto mag-ilocano...hmmm...ewan bakit..
gusto ko rin sana karirin ang japanese kaya lang nawalan ako ng gana after lumabas yung grades ko... eto share ko lang... ewan kung nakarinig na kayo ng kwentong mas masaklap rito: diba nga summer ako nag-jap? siguro bandang kalahati ng summer, ang standing ko sa japanese, A!!! magtakin mo, A!!! tapos, pre-final grade ko naging C+!!!! sad na ba? etong mas sad!! after finals, grade ko C na... layo diba?? mula A na na-maintain mo for a half or more of your time taking the course, tapos naging C!!!! lam nyo, i blamed a lot of things... kung bakit pa kasi pinalitan ni sir yung style nya ng pagq-quiz... pati yung mga "more demanding" subjects(itm 14 at math), sinisi ko rin... biruin mo naman kasi... magfa-finals na sa japanese, anong ginagawa ko?? gumagawa ng itm project sa starbucks hanggang 2am... consider na rin yung pagkamatay ng lola ko.. ang pabalik-balik na byahe sa pangasinan kung kelan hell week of the hell month na...
hayyy.... pero tapos na yun... at tulad ng laging nangyayari, move on ulit ako.. lagi naman ako ganyan eh.. move on lang lagi... so bakit ko pa kinwento yun for all of you to read?? ala lang... palusot lang dun sa C ko... kung iisipin mo, yung mga reasons ko, parang ala lang naman diba? heheheheh... ganyan naman tayo diba? pag may bagsak, pag mababang nakuha, pag natalo sa contest, lagi naman may dahilan diba?? hayyy.... pero siguro, filler lang din... ayoko ng maikling post eh, lalo pa't di ako nakapag-update for more than half a month... or almost a month nga ata...
kaya kung napagtiisan mong basahin to hanggang sa katapusan, sorry, walang kwento lahat ng sinulat ko... pero lahat ng iyon, galing sa puso... yuck, yuck, yuck!!! ano nangyayari sa 'kin???? sige na nga....
bye bye na... love you all!!!!
special thanks to alena... lam mo na 'yun...
wow, tagalog entry... very fil 12...